Anu-ano ang basic requirements kapag nag-apply sa Taiwan?
1. Passport – dapat ay valid pa for at least 2 years
2. PSA Birth Certificate with receipt
Paano kung late registered pwede po ba makapag Taiwan? As long as hindi ka 20 yrs old and above ka nagkaroon ng PSA or bininyagan.
3. Voters ID / Certificate with receipt
Paano kung hindi pa ako rehistrado?- pumunta sa pinakamalapit na comelec office ang magrehistro.
Paano kung matagal na po ako hindi bumubuto?- kumuha ng certifcation sa manila office or ipa-activate ang iyong rehistro sa pinakamalapit na comelec office sa inyong lugar.
4. UMID
Paano kung wala po ako UMID?- pwede po ang SSS Certificate
Paano kung walang SSS Certificate? – pwede po basta meron national ID
Paano kung walang national ID?- kumilos ka ng magkaroon ka ng mga kailangang ID
5. PEOS
Paano po kumuha ng PEOS? – pumunta sa website ng DMW or follow the link PEOS ONLINE APPLICATION
Paano po yun dalawa ang pagpipilian?
Professional / Skilled- para sa mga nagbabalak pumasok bilang factory workers
Household workers – para mga nagbabalak magtrabaho bilang DH / Caretakers
6. E-registration
Sundan ang link para makagawa ng E-Registration
7. Diploma
Paano kung High School lang po? – Kailang po ng High School Diploma at for 137 record.
Paano po kung undergraduate ako ng High School?- Ang tinatanggap po papuntang Taiwan ay High School Graduate sa mga piling agency.
Tapos po ako ng college – Dalhin mo ang original record ng TOR at Diploma
8. Certificate of Employment (COE)
Kung ikaw ay nakapagtrabaho ng local o abroad ay kailangan mo ipakita ang certificate of employment mo bilang katibayan na ikaw ay nagtrabaho.
Paano kung walang COE? – wala po tayong magagawa kung wala
9. Vaccination Card / Yellow Card
Paano po kumuha ng Yellow Card?- kapag po ikaw ay nabakunahan ng COVID-19 shots ay may makukuha ka na Vaccination card at doon nakalagay ang buong detalye kung ano brand tinurok sayo, anong buwan at naka-ilang shots ka. At ang vaccination card ang i-present sa Bureau of Quarantine para mabigyan ka ng yellow card.
10. NBI Clearance
Paano po kumuha ng NBI- mas pinadali po ang pagkuha kahit pa renewal yan, mag-register at magbayad lang po kayo online at pumunta sa opisina kung saan mo napiling kunin ang NBI Clearance mo. follow ang link kung kukuha ng clearance.
11. ARC para sa mga Ex-Taiwan
12. Ex-Abroad / Ex- Taiwan– kailangan kumuha ng OFW RECORDS sa DMW
Paano? Magparehistro online at magpa-appointment OFW RECORDS