Marcos Bantay-Sarado sa “Trillion Peso March” Rally

MANILA, Philippines – Mahigpit na minonitor ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinagawang “Trillion Peso March” noong Setyembre 21, kung saan libu-libong mamamayan ang lumahok sa panawagang laban sa korapsyon.

Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, tinutukan ng Pangulo ang mga kaganapan at inatasan ang mga awtoridad na pairalin ang “maximum tolerance” sa pagharap sa mga nagprotesta.

Pinalakas din ng Presidential Security Command ang pagbabantay sa paligid ng Malacañang upang matiyak ang seguridad ng punong ehekutibo at ng pamahalaan sa gitna ng kilos-protesta.

Dagdag pa ni Castro, ang desisyon ng Pangulo na huwag dumalo sa United Nations General Assembly (UNGA) sa Estados Unidos ay dahil nais niyang personal na masubaybayan ang mga aktibidad kaugnay ng malakihang pagtitipon.

Ang “Trillion Peso March” ay isa sa mga pinakamalaking kilos-protesta ngayong taon na nakatuon sa panawagan para sa mas mahigpit na laban kontra katiwalian sa gobyerno.

Related Posts