Taiwan (January 23, 2022)- Bansang Taiwan nagtala ng 89 na mga bagong kaso ng COVID-19 base sa talaan na inilabas ngayong hapon ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon kay Health Minister Chen Shizhong, ngayonga araw ay nagtala ng 52 na mga bagong lokal na kaso ng COVID-19 at 37 naman ang imported.
Ayon sa ulat, nasa 32 lalaki ang 20 babae ang local case ng Taiwan at hindi pa nila matukoy ang ibang pinagmulan ng infection. Samantala ang imported case naman ay 17 lalaki at 20 namang babae mula sa Estados Unidos, Pilipinas, France, United Kingdom, Denmark, Ukraine, Turkey at Australia na pumasok mula Enero 8 hanggang 22.
Sa kabuuan ay umabot nsa 18,325 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Taiwan kung saan 14,903 ay mga local at nasa 3,368 naman ay imported. At kabuuang bilang naman ng namatay ay 851 mula ng taong 2020 hanggang kasalukuyan at 838 dito ay pawang mula sa lokal na kaso.