Taiwan (May 18, 2022)- Muling nagtala ang bansang Taiwan ng pinakamataas na bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 na umabot sa 85,310 base sa bagong datus na inilabas ngayong hapon ng Central Epidemic Command Center.
At sa bagong datus ng CECC ay nasa 41,073 na lalaki at 44,211 namang babae ang mga nahawaan ng COVID-19. At nasa 26 naman ay under investigation na may edad 5 hanggang 90 gulang.
Samatala, nasa 41 naman ang naitalang nasawi dahil sa nasabing sakit. At nasa 46 naman ang imported cases ang naitala ngayong araw ayon sa CECC.
Narito ang mga lugar ng may mataas na bilang ng COVID-19.
Taipei City (12,069 cases)
Taoyuan City (9,658 cases)
Kaohsiung City (6,805 cases)
Taichung City (6,770 cases)
Tainan City (4,130 cases)
Keelung City (2,428 cases)
Hsinchu County (2,301 cases)
Pingtung County (2105 cases)
Changhua County (2035 cases)
Yilan County (1936 cases)
Hualien County (1611 cases)
Hsinchu City (1287 cases)
Miaoli County (1134 cases)
Yunlin County (927 cases)
Nantou County (705 cases)
Taitung County (699 cases)
Chiayi County (646 cases)
Chiayi City (464 cases)
Penghu County (201 cases)
Kinmen County (160 cases)
Lianjiang County (9 cases),
Kinumpirma naman ng Command Center na 30% umano ang itinaas sa bilang ng mga nahawaan ng COVID-19.