ADVISORY: OFW Lounge sa NAIA Terminal 1, Pansamantalang Isasara para sa Paglipat sa Mas Malaking Lugar

July 30, 2025 | Manila

MANILA – Inanunsyo ng pamunuan ng Overseas Filipino Worker (OFW) Lounge na pansamantalang isasara ang kanilang pasilidad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 upang bigyang-daan ang paglipat sa mas bago at mas malaking pwesto.

Ayon sa opisyal na pabatid, ang hakbang ay bahagi ng kanilang layunin na mas mapaganda ang serbisyo at karanasan ng mga OFW habang naghihintay ng kanilang biyahe. Kasalukuyan nang inaayos ang bagong pasilidad na may mas malawak na espasyo at mas maayos na kagamitan upang mas maraming kababayan ang mapaglingkuran.

“Inaayos na ang mas pinalawak at mas maayos na pasilidad para mas maraming OFWs ang mapaglingkuran at mas mapaganda ang inyong paghihintay bago bumiyahe,” ayon sa pahayag.

Hinikayat naman ang publiko na tutukan ang kanilang opisyal na Facebook page para sa mga karagdagang update at anunsyo hinggil sa pagbubukas ng bagong OFW Lounge.

Related Posts