TAIPEI — Magpapatupad ng bagong patakaran ang Ministry of Labor (MOL) ng Taiwan para mas mapadali ang pagkuha ng foreign caregivers, lalo na para sa mga pamilya na may malubhang may sakit na kamag-anak. Ayon kay Su Yu-kuo, division chief ng Workforce Development Agency, papayagan na ang mga migrant workers mula sa ibang trabaho—like sa manufacturing, agriculture, or construction—na lumipat bilang live-in caregivers, basta’t makumpleto nila ang required na training.
Ito ay kasunod ng bagong batas na naipasa noong 2024 kung saan hindi na kailangang sumailalim sa Barthel Index evaluation ang mga Taiwanese na 80 years old and above para makapag-hire ng foreign caregiver. Kasama rin sa exemption ang mga nasa 70 to 79 years old na diagnosed na may stage II cancer pataas.
Tinatayang around 100,000 households ang pwedeng makinabang sa bagong policy na ito. Pero may concern din na baka maapektuhan ang mga pamilya na may critically ill na pasyente—like bedridden o may dementia—dahil baka mas piliin ng mga caregiver na mag-alaga ng mas madaling cases.
Para ma-address ito, gagawa ng paraan ang MOL para ma-allow ang job transfer ng migrant workers mula sa ibang industry papunta sa caregiving. Pero kailangan muna nilang mag-complete ng 20 hours na training, na pwedeng gawin online or in-person. Once na pumayag ang worker at employer, puwede nang i-proceed ang transfer.
Isa pa sa mga changes, hindi na rin kailangan dumaan sa long-term care system ng Ministry of Health and Welfare ang mga employers na may pasyenteng may mild na sakit. Instead, magpo-post na lang sila ng 7-day job ad sa TaiwanJobs website as part of the process.
Ayon kay Su, inaasahang ma-implement ang bagong rules by end of July or early August.
Ang goal ng policy na ito ay mapalawak ang pool ng caregivers habang sinisiguro pa rin na trained at qualified ang mga mag-aalaga, lalo na sa mga pasyenteng may critical na kalagayan.