Taiwan (April 20, 2022)- Bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansang Taiwan lalo pang tumaas kung saan ngayong araw ay pumalo sa 2,481 ang mga bagong kaso. Ayon sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Sa bagong datus na inilabas ngayong hapon, pumalo sa 2,386 nag mga local case at nasa 95 naman ang naitalang imported cases. At lumalabas na 40% ang itinaas ngayong araw kumpara kahapon na 1,626 lamang ang local case.
Naitala ang matataas na kaso sa mga lugar ng New Taipei, kung saan nagtala ng 822 kaso, sinundan ng Taipei na may 471 kaso, Taoyuan na may 387, Keelung 191 at Kaohsiung na may 97 kaso.
Ang Yilan County ay 89 ang naitalang bagong kaso, Hualien County 86, Taichung 76, Pingtung County 31, Tainan 24, Hsinchu County 23, Changhua at Nantou Counties ay parehong nagtala ng 17 kaso. At ang Miaoli County ay nagtala ng 16 kaso, Yunlin County 14, Hsinchu City 11, Taitung County 5 kaso, Chiayi City at ang Matsu Islands ay tig-3 ang naitala, Chiayi County 2 kaso at Penghu County ay isang kaso ang naitala.
Simula Enero nitong taon hanggang Abril 19, ang naitalang mga mild o asymptomatic ay pumalo sa 13,108 kaso at nasa 51 kaso naman ay moderate at 5 naman ang severe.
Sa kabuuan, ang bilang ng COVID-19 sa bansa simula 2020 ay pumalo na sa 40,186 kaso kasama na ang 30,147 na local case. At kabuuang datus ng nasawi ay nanatili pa rin sa 856 ayon sa datus ng CECC.