Taiwan (January 23, 2022)- Unang batch ng Oral antiviral pill laban sa COVID-19 na binili ng bansang Taiwan sa Merck & Co. at Pfizer darating bukas ayon sa Command Center.
Ayon sa Command Center darating bukas ng umaga ang nasa 10,000 oral antiviral drugs mula sa Merck & Co. at nasa 20,000 naman mula sa kumpanyang Pfizer. Inaasahang lalapag ito 4:50 ng umaga.
Ang mga oral antiviral drugs mula sa Merck ay pumasa umano sa EUA review ayon sa pagpupulong noong Enero 8, at pwede itong ibigay sa mga taong nakakaranas ng mild to moderate COVID-19 infection. At hindi ito pwede sa mga taong nakakaranas ng hypertension, diabetes, chronic kidney disease, chronic lung disease, overweight at may sakit na canser, ayon sa ahensya.
Ang oral antiviral drugs naman mula sa Pfizer ay pwedeng ibigay sa mga batang may edad 12 pataas at may timbang 40kg pataas, na nakakaranas ng mild to moderate COVID-19 infection.
Ayon sa opisyal ng Command Center, kapag natanggap nila ang mga gamot ay agad nila itong ipapamahagi sa mga medical institution.
Source: UDN