Taipei (September 2, 2024) – Unang meeting para sa pagtaas ng sahod sa taong 2025 ay nakatakda ngayong September 4, 2024, ayon sa ulat.
Samantala nagpahayag naman ng opinyon ang bagong appointed ng Taiwan Confederation of Trade Union na si Tai Kuo-jung (戴國榮) na dapat umano itaas sa 4% ang taas sahod sa susunod na taon kung pagbabasehan ang bagong datus ng CPI at Economic growth ng bansa. Subalit ayon naman kay Yu Yu-chih (余玉枝) ng Taiwan Federation of Industry representative, ang taas sahod ay pwedeng ilagay lamang sa 2-3%, dahil kung taas pa sa 3% ay maari itong magdulot ng taas presyo sa mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sa kasalukuyan ay ang basic wage ng Taiwan ay nasa NT$27,470 para sa mga mangagawa sa sektor ng Industriya.