Magandang balita para sa mga OFW sa Taiwan, pormal ng inamyendahan ang bagong batas na naglalayong bigyan ng kaukulang bakasyon o bisitahin ang bansang Pilipinas pagumabot na ng isang taon ang panunungkulan sa amo. Ito ay ayon sa Ministry of Labor ng Taiwan.
Kapag ang isang OFW ay hindi pinayagan ng kanyang Amo na magbakasyon ngunit siya ay pasok sa bagong regulasyon, ay maaring pag multahin ang kanyang Amo sa halagang hindi baba sa NT$60,000 (Php 96,000) o hihigit pa sa NT$300,000 (Php 480,000). At maari din umabot sa punto na bawiin ng gobyerno ang kanilang lesinsya sa pagkuha ng mga mangagawa. Ito’y ayon sa Ministry of Labor ng Taiwan.
Anu- ano ang mga nakapa-loob sa bagong regulasyon?
Bayad ang Vacation Leave
Bayad ang Marrriage Leave
Bayad ang Bereavement Leave
Bayad ang Personal LeaveĀ
Ito ay naayon din sa mga batas ng Labor Standard Law, Labor Contract Law, at Act of Gender Equality in Employment ng Taiwan.
Ano ang mga katanggap-tanggap na kondisyon?
Kapag may importante or minamadaling trabaho at walang makuha ang amo na pampalit sa iyo ay maaring pagusapan ng dalawang kampo kung kelan pwede magbakasyon. Ngunit kung hindi magkasundo ang dalawang partido ay maari pa rin magbakasyon ang empleyado sa binigay na takdang araw. Ito ay naayon sa Employment Service Act ayon sa Ministry of Labor ng Taiwan.