Taiwan (January 22, 2022)- Labis na nababahala si Taipei City Mayor Ko Wen-je, na maari lumala ang COVID-19 Outbreak sa bansa, dahil umano aabot sa 50,000 mga TNT ang walang ARC at Health Insurance Card ang kanilang nababakunahan sa Taipei Main Station.
Ayon sa Mayor, labis siyang nababahala matapos mangyari sa Askey Computers Corp., kung saan dalawang Pinoy migrant workers ang hindi umano nag-scan ng QR Code sa nasabing restaurant na pinagmulan umano ng COVID-19 Outbreak sa kumpanya dahil hindi agad na trace. Aniya, paano pa ang aabot sa 50,000 mga TNT na walang ARC at walang Health Insurance Card? Paano pa daw malalaman ang kanilang mga galaw, dahil sa ngayon tanging ang may mga ARC lamang na track ang galaw?
Hindi naman umano pwede ikulong o patawan ng parusa ang mga nagpupunta sa vaccination site sa Taipei Main Station para sa vaccination bilang pagsunod sa political agreement.
Bago pa man dumalo sa Governor’s Forum ngayong hapon si Mayor Ko ay nagbigay ito ng mensahe sa Central Government kung ano ang gagawin sa nakakabahalang datus ng mga TNT.
Samantala, pansamantala namang isasara ng ilang araw ang vaccination site sa Taipei Main Station dahil sa Chinese New Year.
Source: UDN