Taiwan (January 22, 2022)- Nasa mahigit 60 mga foreign workers ang nahawaan umano ng COVID-19 sa kumpanyang Askey Computer Corp. (亞旭電腦) ayon sa ulat nitong araw ng Sabado..
Kinumpirma ng pamunuan ng Askey na aabot sa 70 sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19, kung saan nasa 63 umano ay mga foreign workers. Nagsimula umano ang outbreak matapos kumain ang dalawang migrant workers sa Tasty Steakhouse sa Zhongli District noong January 9, at hindi umano ito ini-scan ang QR Code ng nasabing kainan. At nagresulta umano na hindi agad na- track ang dalawa.
Ayon naman kay Taoyuan Mayor Cheng Wen-tsan, karamihan sa mga nagpositibo ay pawang mga Pilipino na pumunta umano sa isang katolikong simbahan at mga kainan sa paligid. Kaya naman lahat ng mga pumunta sa nasabing lugar ay iminumungkahi na sumailalim sa COVID-19 testing sa lugar Guolin at Nankan. Nakikipag-ugnayan na rin umano ang mga awtoridad sa pamunuan ng nasabing simbahan.
Samantala nakatakda naman isarado ang kumpanya ng dalawang araw mula January 22 hanggang January 23, para bigyan daan ang disinfection sa kanilang mga dormitoryo at workplace sa Zhonghe sa New Taipei, Yangmi sa Taoyuan, Zhubie City sa Hsinchu at sa Taoyuan. Aabot naman sa 10,000 empleyado ng Farglory Free Trade Zone sa Taoyuan ang sasailalim umano sa COVID-19 testing.
Tiniyak naman ng kumpanya na makikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad hinggil sa nangyayaring COVID-19 outbreak sa kumpanya.
Source: Askey, Taiwan News