Taiwan (May 6, 2022)- Nagtala ngayong araw ang bansang Taiwan ng mahigit 36,000 mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw base sa bagong datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Base sa bagong datus mula sa ulat ng UDN ay umabot sa 36,168 na mga bagong lokal na kaso ng COVID-19 at 45 naman ng mga imported kaso. At 10 naman ang naitalang nasawi ngayong araw dahil sa naturang sakit.
Naitala ang mga bagong kaso sa New Taipei City kung saan nangunguna pa rin sa may pinakamaraming kaso na nagtala ng 12,066 at sinundan naman ng Taipei City na may 7,716 na mga kaso. At pumangatlo sa lugar na may pinakmaraming kaso ay ang Taoyuan City kung saan 6,271 mga kaso ang naitala.
Ang Taichung City naman ay nagtala ng 1,890 kaso, Kaohsiung City ay 1,737 kaso, Keelung City 1,427 kaso, Tainan City ay umabot 923 kaso, Yilan County ay 686 na kaso, Hsinchu County 577 kaso, Changhua County 448 kaso, Pingtung County 431 kaso, Yunlin County 384 kaso, Hualien County 381 kaso, Hsinchu City 348 kaso, Miaoli County 255 kaso, Taitung County 169 kaso, Nantou County 166 kaso, Chiayi County 130 kaso, Chiayi City 103 kaso, Penghu County 39 kaso, Lianjiang County 13 kaso, at ang Kinmen County ay nagtala naman ng 7 mga bagong kaso.