Bansang Taiwan nagtala ng mahigit 30,000 kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw!

Taiwan ( May 5, 2022)- Ngayong araw ay nagtala ang bansang Taiwan ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw, kung saan base sa datus na inilabas ng Central Epidemic Command Center (CECC), umabot sa 30,035 na mga local cases ang naitala.

Ayon kay CECC Head Shih-Chung, nagtala rin ang bansa ng 71 na mga imported na kaso ng COVID-19 ngayong araw, kung saan ang kabuuang kaso ay umabot na sa 232,402. At nagtala rin ng 5 nasawi ngayong araw. At sa kabuuan ng namatay ay umabot na sa 856 katao.

Ngayong araw ay nasa 14,634 na mga lalaki at 15,386 na mga babae ang nahawaan ng COVID-19 at 15 dito ay under investigation pa. At nangunguna sa lugar na may pinakamataas na kaso ay ang New Taipei na may 10,122 at sinundan ng Taipei City na may 6,422 kaso. At ang mga sumunod namangĀ  lugar ay Taoyuan City na may 4,872, Taichung City 1,776, Kaohsiung City 1,136 at 924 naman sa Keelung City.

Nagtala rin ang Tainan City ng 847, Yilan County 675, Hualien County 625, Hsinchu County 570, Pingtung County 460, Changhua County 382, Yunlin County246, Miaoli County 204, Hsinchu City 194, Taitung County 152, Nantou County 151, Chiayi County 121, Chiayi City 93, Penghu County 35, Kinmen County 22, at sa Lienchiang County at nagtala naman ng 6 na kaso.

 

Related Posts