Taiwan (January 22, 2022)- Dalawang Pinoy na umano kumain sa Tasty Steakhouse sa Zhongli, tinuturo ng mga awtoridad bilang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng COVID-19 Outbreak sa kumpanyang Askey Computer Corporation.
Ayon sa ulat, dalawang Pinoy umano ang kumain noong January 9, sa Tasty Restaurant at hindi nag-scan QR Code bago pumasok dahilan upang hindi ito na trace agad hanggang magkaroon ng outbreak.
Ayon naman kay Taoyuan Mayor Cheng Wen-tsan (鄭文燦), karamihan sa mga nagpositibo ay mga Pilipino kung saan pumasok pa sa simbahan ng katoliko at ang iba naman ay kumain sa mga kainan sa paligid.
Nagpalabas naman ng pagkabahala si Taipei City Mayor Ko Wen-je sa nangyari. Kung nagawa daw ng dalawang Pinoy na hindi mag-scan ng QR Code bago pumasok sa restaurant, paano pa ang nasa 50,000 mga TNT na walang umanong ARC at Health Card at mahihirapan silang hanapin.
Source: UDN, Taiwan News