Taiwan (January 22, 2022)- Bansang Taiwan nagtala ngayong araw ng 130 na mga bagong kaso ng COVID-19 ayon sa talaan ng Central Epidemic Command Center (CECC).
Ayon sa inilabas na talaan ngayonga araw ay umabot sa 82 ang bagong local case at nasa 48 naman ang imported case. Tumaas umano ang local case ng bansa matapos magkaroon ng outbreak ang kumpanyang Askey Computers Corp. na karamihan umano sa mga nagpositibo ay mga Pilipino.
Ayon sa ulat ay nasa 1,000 mga empleyado ng nasabing kumpanya ang sumailalim sa COVID-19 testing at lumalabas na nasa 70 mga empleyado kasama na ang 63 mga migrant workers ang nagpositibo sa virus.
Sa kabuuang talaan ng bansa ay umabot na sa 18,239 ang mga nagpositibo kung saan 14,854 ay local case at nasa 3,331 naman ay imported case. Samantala kabuuang bilang ng mga namatay ay umabot na sa 851 kung saan 838 dito ay mula sa local infection.
Source: Taiwan News