Guides in filing Labor Insurance Retirement in Taiwan

Lahat ng mga OFWs sa Taiwan na nagbabayad sa Labor Insurance ay may makukuha po kayong Pension o Retirement Benefits pag tanda natin.

Paano po ba makakakuha ng claim?
1. Pumunta sa pinakamalapit na City Hall na nasasakupan ng inyong lugar na pinagtratrabahuan at lumapit sa information at itanong kung saan pwede magpa-assist para mag-file ng pension ng labor insurance.

LIST OF LABOR INSURANCE OFFICES IN TAIWAN

2. Ihanda ang inyong ARC. Para sa gagawing verification ng staff.

3. Kapag na beripika na ang inyong dokumento ay bibigyan kayo ng buong listahan ng inyong hulog at computation sa inyong makukuhang pension pagtanda.

Kasali po ba ang Caregivers at Caretakers?
Sagot: Hindi po kasali, pwera lang kung kusang pina-register ng amo.

Malaki po ba makukuha sa Insurance at kelan po ba ‘yan makukuha?

Sagot: Depende po yan sa kung ilang taon ka naghuhulog o nagtrabaho sa Taiwan. Mas mahabang taon mas malaki makukuha mo.

Para sa mga nag-asawa ng Tsekwa sa edad 55 ay maari na nilang makuha ang kanilang pension, pero para sa mga ordinaryong worker na hindi nakapangasawa ng Tsekwa ay makukuha lamang ang pension sa edad na 65.

Paano kung sakitin na ako sa mga panahong iyon at hindi ko na kaya maglakad? 

Sagot: Maari po lakarin ng authorized niyong claimants.

Pwede po ba ako magfile niyan kahit 3 years palang ako sa Taiwan at gusto ko nang mag-for good sa Pilipinas?
Sagot: Opo pwede ka po mag-file pero syempre mas mababa makukuha mo.

Paano po iyon eh nasa Pinas na ako hindi ako nakapag-file?
Sagot: Pwede niyo po ipasuyo sa inyong mga kaibigan dito sa Taiwan.

Anu-ano nga ba ang mga kailangan sa pag-file ng Pension sa Labor Insurance?

FOR FILING (PERSONAL)
1)ARC (old and new if magkaiba Chinese name mo bawat company)
2)OLD AND NEW PASSPORT

FOR FILING(by FRIENDS OR RELATIVES)
1)Authorization letter with signature and Chinese namechop
2)Passport(old and new)
3)ARC(old and new)

TO CLAIM (personal)-65 yrs old
1)Passport
2)ARC
4)Bankbook Copy(Philippine)
3)Computation form(Yung binigay sa inyo during filing)
5) Chinese namechop


TO CLAIM (by your son/ daughter/any member of the family/relatives)
1)AUTHORIZATION LETTER WITH SIGNATURE AND CHINESE NAMECHOP
2)PASSPORT
3)ARC
4) PHILIPPINES BANKBOOK COPY
5)CHINESE NAMECHOP (if wala po kayo pwede naman magpagawa nsa 50nt lng po bsta Chinese name mo po sa last company mo)
6)Computation form (Yung binigay sa inyo during filing)

Note: Mag-file lang kayo kung sure na kayo na hindi na mag-work sa Taiwan at mag-for good na sa Pinas.

Related Posts