Taiwan (Feb. 7, 2022)- Pormal ng inanunsyo at kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ngayong araw na sa darating na Pebrero 15, ay makakapasok na sa bansang Taiwan ang mga mangagawa mula Pilipinas.
Ayon kay MECO Resident Representative at Chairman Wilfredo B. Fernandez, ito ang ay isang “most-welcome development” na kinumpirma mismo mula sa opisina ng Taiwan Economic and Cultural Office sa Manila.
“We want to thank the Taiwan officials, as well as their business leaders, for their continuing trust and confidence in the world-class skills, competence, and work ethics of Filipino workers,” sabi ni Fernandez.
Samantala naman, binalaan niya ang mga recruitment agencies na mahigpit sundin ang health protocol requirements na itinakda ng gobyerno ng Taiwan.
“Make sure all the documents you’ll submit are genuine and in order. Please do not do anything that would jeopardize the chances of thousands of other OFWs from working in Taiwan again, They have suffered long enough as a result of the pandemic.” dadag pa ni Fernandez.
Ayon naman kay MECO labor official at lawyer Cesar Chavez. Dapat iwasan ang mga fake vaccination card dahil may nadiskubre na umano ang mga awtoridad ng Taiwan mula sa ibang bansa na peke ang vaccination card.
At muling pinaalala naman ni Fernandez, ang bagong mandato na inilabas noong Enero 2021, ang Memo Circular 1 of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Kung saan pinaalalahanan ng mga ahensya na sagutin ang pre-deployment pandemic fees ng mga OFW na pupunta sa Taiwan.
“Any infraction will be dealt with severely in accordance with the law,” sabi ni Fernandez.
Pinasalamatan naman ni MECO Chief ang Taiwan dahill sa pagbibigay umano ng magandang working environment para sa mga mangagawa.
Source:MECO