Paano i-claim ang Alagang Kabayan Laban sa COVID-19 na ayuda?

Good news dahil lahat ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Central Taiwan ay makakatanggap ng perong ayuda mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Anu-anong mga lugar ang nasasakupan ng MECO POLO Central Taiwan?

1. Miaoli County
2. Taichung City
3. Changhua County
4. Nantou County
5. Yunlin County

Paano mag-aapply ng Alagang Kabayan Laban sa COVID-19 (Alagang Kabayan Project)?

STEP 1: Magpadala ng email sa taichung@owwa.gov.ph kasama ang mga sumunod na mga kailangang dokumento
a. PASSPORT Copy (pahina na may personal data, latest stamps ng departure at arrival)
b. Picture of Personal Bank Account (nakalagay ang Bank Name, Bank Code, Account name at account number
Note: Nasa US$200 na halaga ang malilipat sa inyong bank account.

c. Application / Claim formĀ  (i-click lang ang kulay blue na “claim form” )

CLAIM FORM



d. Proof of COVID-19 Positive result (PCR test result)

Magpadala kahit alin sa mga sumusunod:

  • Medical Certificate mula sa Medical Practitioner o Health Care Institution na nakalagay nangpositibo ka sa COVID-19
  • Medical Certificate mula sa competent Medical Practioner o Healt Care Institution na nakalagay ang mga signs at symptoms ng COVID-19 na prescribed ng World Health Organization (WHO).
  • Medical Presciption para COVID-19 na mula sa competent Medical Practioner o Healt Care Institution
  • Ibang dokumento na magpapatunay na ikaw ay tinamaan ng COVID-19 at nagpositibo sa resulta.

STEP 2: Kapag mabasa at matanggap ang iyong aplikasyon ay makakataanggap ng email bilang kumpirmasyon.
Tandaan: Ang may kumpletong applicaton form at requirements lang ang ipoproseso ng opisina.

STEP 3: Kapag na-aprobahan ang inyong aplikasyon ay makakatanggap kayo ng email na may nilalamang detalye ng bank transfer at kailangang i-acknowledge ang email na matatanggap.

Para sa Katanungan ay maari po kayong tumawag sa
Hotline ng POLO OWWA Taichung:
Tel. # 04-2322-8836 loc. 15

Related Posts