Canada (Mayo 6, 2022)-Nahaharap ngayon sa labor shortage ang bansang Canada dahil umano sa dami ng nakatakdang magretiro batay sa kanilang 2021 census.
Ayon sa pahayag ng Statistics Canada, malaking bahagi umano ng mga “baby boomers” ang nakatakdang magretiro at nakita nila ang dami ng bilang kung saan isa sa bawat limang mangagawa o 21.8 percent ay malapit sa mandatory o proposed retirement age na 65.
“Never before has the number of people nearing retirement been so high,” pahayag ng Statistic Canada.
Ayon sa ahensya na 2011 pa umano nagsimula magretiro itong mga “boomer” na ipinanganak sa pagitan ng 1946-1965. At sa huling bahagi ng 2021 ay doble umano ang naitalang bakanteng trabaho na umabot sa isang milyon, kumpara sa naitala nila noong 2020.
Apektado umano sa labor shortage ang industriya construction laborers, restaurant staff, nurses at social workers dahil rin sa pagtanda ng populasyon ng Canada kung saan mababa rin umano ang fertility rate.
Sa Census ng Canada ay tinatayang nasa pitong milyon sa total population na 37 milyon ang nasa edad 65 o higit pa. At ang mga nasa edad 85 ay inaasahang aabot sa 2.7 milyon sa susunod na dekada.
“We have seen this coming for a long time with the aging of the population, so that they can get the best possible jobs that will support the population, and boosted immigration to record levels.” Ayon kay Prime Minister Justin Trudeau.
Posible naman madagdagan ang oportunidad ng mga Pinoy na makapagtrabaho sa Canada, dahil kung matatandaan natin ay nagpunta nitong Marso si Labor Secretary Silvestre Bello III, upang lagdaan ang bilateral labor agreements sa Ontario at Yukon.
Source: GMA News