Nasa mahigit 20 na sasakyan nagkarambola sa Expressway ng Yunlin County, 2 patay!

Taipei, Taiwan (Feb. 21, 2021)- Nasa mahigit 20 na mga sasakyan ang nagkarambola sa Expressway na sakop ng Yunlin County.

Base sa paunang imbestigasyon ang dahilan ng karambola ng sasakyan ay dahil umano sa zero visibility sa naturang lugar kaninang umaga. Halos madurog ang isa sa 15 kabilang na dito ang 6 na truck.

Nangayari ang insidente bandang ala siete ng umaga sa Xibin Expressway sa Route 61 sa may Yunjia Bridge.




Ayon sa isang truck driver isang makapal na “fog” ang bumalot sa lugar kung kaya halos dalawang dipa lang ang natatanaw ng mga ito na kalaunan nagresulta sa karambola ng sasakayan.

Dalawa ang nasawi sa nangyaring insidente at walo naman ang mga nausugatan.



Source: UDN News